Resolusyon ng pagkilala kay Pope Francis inihain sa Senado

By Jan Escosio April 25, 2025 - 12:35 PM

PHOTO: Pope Francis FOR STORY: Resolusyon ng pagkilala kay Pope Francis inihain sa Senado
Pope Francis —File photo from Agence France-Presse

METRO MANILA, Philippines — Inihain ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa Senado ang isang resolusyon na nagbibigay pagkilala kay Pope Francis.

Sa kanyang Senate Resolution No. 1342, nagpahiwatig si Estrada ng kanyang pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkawala ng 88-anyos na pinuno ng Simbahang Katoliko.

Sinabi pa ng senador na higit pa sa pagiging spiritual leader ang papa, na ipinanganak na Jorge Mario Bergoglio, dahil ito ay simbolo ng kapakumbabaan, habag at katarungan.

BASAHIN: Pope Francis pumanaw na sa edad 88

Nagsilbi din aniya si Pope Francis na inspirasyon, bukod sa tumatak sa marami ang kanyang mga mensahe ng pag-asa, pagkakaisa at awa partikular na sa mga mahihirap.

Dinagdag pa ni Estrada naging boses din ang yumaong Santo Papa ng mga lumalaban para sa mga karapatang pantao.

TAGS: pope francis, pope francis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

OSZAR »