METRO MANILA, Philippines — Isang araw matapos lumabas at humarap sa libo-libong Katoliko sa St. Peter’s Square sa Vatican City nitong Linggo ng Pagkabuhay, pumanaw na si Pope Francis sa edad na 88.
Ito ay inanunsiyo ni Cardinal Kevin Ferrell, ang Vatican camerlengo, at aniya namayapa ang Santo Papa 7:35 a.m. sa St. Martha House, ang kanyang opisyal na tahanan sa Vatican City.
Kamakailan ay hinarap pa ng Santo Papa ang medical team ng Gemelli Hospital na nag-alaga sa kanya ng ilang linggo dahil sa sakit na double pneumonia.
BASAHIN: Pope Francis: Remembering his life, teachings and legacy – Live Updates
Samantala, lumabas siya sa St, Peter;s Square sakay ng Pope mobile at binasbasan ang mga Katoliko na sumisigaw ng “Viva Il Papa.”
Ang kanyang Easter message ay binasa ng isang tauhan sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica at binigyang diin niya ang kagustuhan na magkaroon na ng tigil-putukan sa Gaza.
Si US Vice President JD Vance ang huling world leader na nakaharap at nakausap ni Pope Francis nang magkita sila kahapon.
Bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong ika-15 hanggang ika-19 ng Enero 2015.
Ang namayapang Santo Papa, na ipinanganak na Jorge Mario Bergoglio, ay inihalal ng papal conclave na Santo Papa noong ika-13 ng Marso 2013 matapos magbitiw si Pope Benedict XVI noong ika-28 ng Pebrero 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.