Senior citizens’ social pension di sakop ng election spending ban
METRO MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbibigay ng exemption mula sa election spending ban ang social pension ng senior citizens.
Ayon kay Ordanes, mabuti na naintindihan ng Comelec ang sitwasyon ng mga mahihirap na senior citizen.
Ayon sa mambabatas nakasanayan na ng mga benepisyaryo na sa buwan ng Abril at Mayo ay nakukuha na nila ang kanilang P3,000 o P4,000 pensyon.
BASAHIN: Nasa 6,000 na senior nag-rally sa Senado para sa social pension bill
“Ang social pension ay bahagi na ng tinatawag na survival budget ng seniors para sa kanilang mga gamot at pagkain at pambayad sa kuryente at tubig,” sabi ni Ordanes.
Ang social pension ay para sa mga senior citizen na walang pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS) o Social Security System (SSS).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.