Nasa 6,000 na senior nag-rally sa Senado para sa social pension bill

By Jan Escosio January 20, 2025 - 01:01 PM

PHOTO: Senior citizens rally for Universal Social Pension for Senior Citizens FOR STORY: Nasa 6,000 na senior nag-rally sa Senado para sa social pension bill
Nasa kamay na ni Sen. Imee Marcos, ang namumuno sa Senate Social Justice Committee, ang House Bill 10423 na layong magkaroon ng buwanang social pension ang lahat ng Filipino na nasa edad 60 pataas anuman ang katayuan sa buhay.

METRO MANILA, Philippines — Tinatayang 6,000 senior citizens ang lumusob sa Senado at umapila sa mga senador na ipasa na ang panukalang Universal Social Pension for Senior Citizens.

Pinangunahan pa nina United Senior Citizens Party-list Rep. Mitos Magsaysay at 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita ang panawagan sa mga senador.

Nakasaad sa House Bill No. 10423, na iniakda ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes, ang pagbibigay ng P500 buwanang pensyon sa lahat ng mga Filipino na nasa edad 60 pataas anuman ang katayuan sa buhay.

BASAHIN: Magna Carta of Senior Citizens, Senior OFWs bills inihain sa Kamara

Simula ngayon taon may apat na milyong mahihirap na senior citizens ang tatanggap na ng P1,000 indigent social pension mula sa P500.

Kabilang si Magsaysay sa mga co-author ng panukala. Dumating din sa pagtitipon si Marikina City Rep. Stella Quimbo, na isa din sa may-akda ng panukala.

Umaasa ang mga mambabatas na palulusutin na ng mga senador ang panukala at maipadala sa Malacañang bago ang pagsasara ng 19th Congress.

Sa ngayon, ang panukala ay nasa Senate Social Justice Committee, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos.

TAGS: Universal Social Pension for Senior Citizens, Universal Social Pension for Senior Citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

OSZAR »