InfinitUs PR agency posibleng kasuhan ng espionage, treason – Tolentino

By Jan Escosio May 05, 2025 - 03:31 PM

PHOTO: Francis Tolentino FOR STORY: InfinitUs PR agency posibleng kasuhan ng espionage, treason – Tolentino
Sen. Francis Tolentino —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Dahil sa sinasabing pagsasagawa ng “troll farm operations” laban sa PIlipinas, posibleng maharap sa mga kasong espionage at treason ang InfinitUs Marketing Solutions Inc.

Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino nitong Lunes matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang special committee on admiralty and maritime zones.

Sa pagdinig, inamin ni Paul Li, ang nagtatag ng InfinitUs, na sila ay inupahan ng Chinese Embassy para sa public relations nito.

BASAHIN: Nahuling ‘Chinese spies’ iniugnay ni Tolentino sa ‘China drones’

Idiniin ni Tolentino na napagtibay sa pagdinig ang pakikipagtulungan ng naturang ahensya sa isang banyagang gobyerno para pabagsakin ang sistema ng bansa.

Dinagdag pa nito na maaring espionage naman ang kaharapin ng mga opisyal ng China na kasabwat sa mga operasyon ng InfinitUs.

Nilinaw naman ni Tolentino na ang pagsasampa ng mga kaso ay ipinauubaya na niya sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Ayon pa sa senador malinaw na nagsisinungaling o may mga itinatago si Li ngunit hindi na niya ito ipina-contempt nang sabihin sa pagdinig na may kanser ang kanyang asawa.

Sinuspindi lamang ang pagdinig kaugnay sa umano’y pang-eespiya ng China sa Pilipinas.

TAGS: Francis Tolentino, InfinitUs Marketing Solutions Inc., Francis Tolentino, InfinitUs Marketing Solutions Inc.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

OSZAR »