Fake news: Paglipat ng eleksyon sa Mayo 10 dahil sa init – Comelec
METRO MANILA, Philippines — Habang papalapit ang eleksyon, ibat-ibang peke o maling impormasyon ang kumakalat sa social media platforms.
Ito ang ibinahagi ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia sa pagdinig sa Senado.
Ayon kay Garcia ngayon araw lamang ay kumalat sa social media na inilipat na sa ika-10 ng Mayo ang araw ng botohan para makaiwas sa matinding init ng panahon.
BASAHIN: 12 DSWD programs exempted sa election ban – Comelec
“Kinakailangan pa rin kaming maglabas syempre ng pagtanggi. Kinakailangang magkomento kami at sabihing hindi po totoo yan,” sabi ni Garcia.
Bago ito, kumalat din sa social media na ang tanging makakaboto ay ang mga may national ID.
Malinaw aniya na ang mga ito ay gawa ng trolls upang madiskaril ang eleksyon sa ika-12 ng Mayo.
Kasabay nito, tiniyak ni Garcia na walang nakuhang impormasyon kung totoong gumamit ng “data gathering device” ang nahuling Chinese national malapit sa kanilang punong tanggapan sa Intramuros, Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.