Dapat may curriculum sa daycare centers – Abby Binay
METRO MANILA, Philippines — Hindi lang dapat lugar para may mapag-iwanan ng mga anak ng mga nagta-trabahong magulang ang day care centers, ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, na tumatakbong senador
Aniya, dapat ay may curriculum din na sinusunod ang daycare workers.
“Hindi dapat ginagawang tagapagngalaga lang ng mga bata ang day care centers habang nagta-trabaho ang kanilang mga magulang,” sabi ng kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
BASAHIN: Mayor Abby Binay nilabag ang kasunduan kay VP at Deped Secretary Sara Duterte
Idiniin niya dapat umpisahan ang edukasyon ng kabataan sa day care center alinsunod sa Early Childhood Care and Development Act of 2000.
Ayon kay Binay dapat matuto nang magbasa ang mga bata simula kindergarten at pagtuntong nila sa grade 3 ay naiiintindihan na ng mag-aaral ang kanilang binabasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.