Imbestigahan mga umaresto kay Rodrigo Duterte – Imee Marcos

By Jan Escosio May 02, 2025 - 05:23 PM

PHOTO: Imee Marcos
Sen. Imee Marcos —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Isinumite ni Sen. Imee Marcos sa Office of the Ombudsman ang final committee report kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-11 ng Marso.

Ang ulat ay bunga ng tatlong pagdinig na isinagawa ng pinamumunuan niyang committee on foreign relations.

Sa kanyang sulat kay Ombudsman Samuel Martires , sinabi ni Marcos na nabisto nila ang mga ginawang aksyon ng ilang opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa pag-aresto kay Duterte, na ngayon ay nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Netherlands.

BASAHIN: Mga umaresto kay Rodrigo Duterte delikado sa kidnapping – dela Rosa

Ayon pa kay Marcos ang mga ginawa ng mga opisyal ay maaring pagbasehan ng pagsasampa ng mga kasong kriminal at administraibo.

Hiniling niya kay Martires na imbestigahan ang mga opisyal na pinangalanan niya sa kanyang ulat.

Nais din ng senadora na maharap sa paglilitis ang mga opisyal kung may sapat at matibay na ebidensiya laban sa kanila.

TAGS: Duterte crimes against humanity, Imee Marcos, International Criminal Court, Rodrigo Duterte, Duterte crimes against humanity, Imee Marcos, International Criminal Court, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

OSZAR »