Rep. Paolo Duterte inireklamo ng pambubugbog na huli sa CCTV
METRO MANILA, Philippines — Inireklamo ng human trafficking at attempted murder si Davao City 1st District Rep Paolo “Pulong” Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagbigay ng sinumpaang salaysay ukol sa insidente ng isang Kristone John Patria, isang negosyante na may edad 37, sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi nito na pinagtangkaan siyang saksakin ni Duterte nang 3 a.m. noong nakaraang ika-23 ng Pebrero sa Hearsay Gastropub sa Barangay Obrero, Davao City.
Kabilang sa mga isinumiteng ebidensiya ay ang kuha ng CCTV camera sa insidente.
BASAHIN: Rep. Paolo Duterte nag-petition din sa SC na pauwiin ang ama
Ayon kay Moreno nag-ugat ang lahat dahil kulang ang ibinayad sa babae na hiniling ni Duterte.
Inamin ni Patria na ilang ulit na siyang nagdala ng mga babae sa mga pribadong pagtitipon kung saan naroon ang mambabatas at ang isang negosyanteng kaibigan nito.
Nagalit si Duterte nang malamang hindi nabigyan ng babae ang isa sa kanyang mga bodyguard, at sinundan pa ito ng pagrereklamo ng isa sa mga babae na P1,000 lamang daw ang ibinayad sa kanya sa halip na P13,000.
Tumagal ang diumanoy pananakit kay Moreno ng dalawang oras at tumigil lamang ang pananakit nang umalis si Duterte kasama ang isang babae na bitbit ng biktima.
Inamin ni Patria na labis siyang natakot para sa kanyang buhay kayat inabot ng higit dalawang buwan bago siya lumantad at pormal na maghain ng reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.