METRO MANILA, Philippines — Nag-alok ng P1 milyong na pabuya ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list para sa impormasyon ukol sa pagpatay sa kanilang third nominee na si Lenin Bacud.
Ang pabuya ay inanunsiyo ni Jose Antonio Goitia, ang unang nomindo ng ABP.
Tinambangan si Bacud sa Sampaloc, Maynila noong nakaraang Lunes ng gabi ng mga salarin na sakay ng motorsiklo.
Ayon kay Goitia may tiwala sila sa mg awtoridad na mabbigyan ng hustsiya si Bacud.
BASAHIN: PNP special team sisilipin pagdukot, pagpatay sa Chinese trader
“Hinihiling namin ang inyong kooperasyon, kung mayroon kayong anumang impormasyon, kahit na maliit, mangyaring lumapit kayo,” apila ni Goitia sa ipinatawag na pulong-balitaan sa kanilang opisina sa Pasay City.
Tiniyak naman niya na itutuloy nila ang adbokasiya ni Bacud, na kabilang sa mga nagtatag ng ABP at nagsilbing punong barangay sa Maynila.
Bumuo na ang Manila Police District ng Special Investigating Task Group Bacud para agad na maresolba ang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.