Sen. Nancy BInay planong ireklamo ang bayaw ng election violations
METRO MANILA, Philippines — Tinuligsa ni Sen. Nancy Binay ang kanyang bayaw na si Makati City Rep. Luis Campos matapos madiskubre ang campaign materials ng huli sa loob ng isang barangay hall sa lungsod.
Magkalaban sa pagka-alkalde ng lungsod sina Binay at Campos, na asawa ni Makati Mayor Abby Binay.
Sa kanyang Facebook video, ipinunto ni Binay na paglabag sa batas ang paggamit ng ari-arian ng gobyerno sa partisan politics.
BASAHIN: Sen. Nancy Binay vs bayaw sa Makati City top post
Alam na ng Commission on Elections ang reklamo ni Binay at pag-aaralan na ng Committee Kontra Bigay ang isyu.
“Pasensyahan tayo kung may kakasuhan kami dahil sa mali. Sorry na lang,” sabi ni Binay.
Sinabi pa ni Binay na nangangalap na sila ng mga karagdagang ebidensiya kaugnay sa pagbibigay ng P5,000 sa mga helper sa isang eksklusibong subdibisyon sa Makati kapalit ng pagpirma sa isang blangko na papel.
“Sa tamang panahon ay ating ilalabas ang ganyang litrato. Meron din tayo picture kung saan ang mga empleado ng barangay ng Makati Action Center ay ginagamit para magkabit ng tarpaulins at magtanggal ng ating limited edition na tarpaulins,” sabi pa ni Binay.
Itinanggi naman ng kampo ni Campos ang mga alegasyon ng kanyang hipag na senador. at aniya base sa mga batas ang lahat ng kanilang ginagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.