Mga senador humingi ng hustisya para sa Canada attack victims
METRO MANILA, Philippines — Nanawagan ng hustisya ang ilang senador para sa mga biktima ng pag-atake sa pagdiriwang ng Lapu Lapu Festival sa Vancouver, Canada kahapon ng Linggo.
Hinikayat ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Canada na ipaabot ang lahat ng tulong sa mga biktimang Filipino.
Dapat din aniya gumawa ng mga hakbang upang hindi na maulit ang trahedya na ikinasawi ng 11 na katao.
BASAHIN: Shock, grief among Filipinos in Vancouver after 11 killed in Lapu Lapu festival tragedy
Tiniyak naman ni Sen. Risa Hontiveros sa mga Filipino sa Canada na nagluluksa ang mga Filipino dito sa Pilipinas dahil sa pangyayari.
“Sa ating mga kababayan sa Canada. Hindi kayo nag-iisa. Nandito kami para sa inyo. Kasama niyo kami sa pagdadalamhati, sa paghahanap ng hustsya at pagbangon,” sabi ni Hontiveros.
Nagpahayag din ng kanilang pakikiramay sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III at Sherwin Gatchalian sa mga biktima at kanilang pamilya.
“Sa mga ganitong pagkakataon, ipamalas natin ang ating pagbabayanihan upang ipakita ang suporta, pagkakaisa at bigyan ng lakas ang pamilya ng mga biktima na malampasan ang masakit na yugto na kanilang pinagdaraanan,” ani Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.