Araw ng Kagitingan: Piliin ang kapayapaan kaysa digmaan – Marcos

By Jan Escosio April 09, 2025 - 05:01 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: Araw ng Kagitingan: Piliin ang kapayapaan kaysa digmaan – Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Suriin ang mga leksyon mula sa mga paghihirap na idinulot ng digmaan.

Ito ang bilin sa sambayanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawang paggunita ngayon araw ng Miyerkules, ika-93 Araw ng Kagitingan, sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan.

Sa harap ng mga beterano, binanggit ni Marcos ang mga kabayanihan sa 1942 Battle of Bataan.

BASAHIN: Marcos handang maka-trabaho si Trump para patibayin PH-US ties

Inalala niya ang mga Filipino at Amerikano na lumaban ng husto ng ilang buwan bago sumuko sa Japanese Imperial Army.

“Aniya ang solusyon sa digmaan ay hindi karagdagaang digmaan kundi kapayapaan na bunga nang pagkakasundo ng mga partido,” aniya.

Sinabi din niya na ang kapayapaan ay hindi makakamit mag-isa ng isang bansa kayat nagpahayag siya ng pagkadismaya dahil maraming bansa pa rin ang nakikidigma sa isat-isa.

TAGS: Araw ng Kagitingan, Ferdinand Marcos Jr., Araw ng Kagitingan, Ferdinand Marcos Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

OSZAR »