METRO MANILA, Philippines — Iniulat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Embahada ng Pilipinas sa The Netherlands na maayos ang kanyang kalagayan.
Sa inilabas na pahayag ng embahada, nakipag-ugnayan sa kanila ang dating pangulo at sinabi na sumailalim siya sa medical check-up at maayos ang kanyang kondisyon.
Sinabi din ng embahada na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa kahilingan na mabisita si Duterte ng kanyang mga kapamilya at abogado.
BASAHIN: Paghingi ng asylum ni Rodrigo Duterte sa China ‘fake news’ – Bato
Bukod dito, may hiling din na mabisita ang dating pangulo ng mga taga-embahada at ito ay nairehistro na ng International Criminal Court (ICC).
Kamakalawa, naka-usap naman ni Duterte ang kanyang abogado, si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.